|
Monday, June 4, 2012
|
/
Reblog
/
Read More!
|
Heyyy. Wala nako ibang mairerekumenda kundi CALAMANSI & TAWAS. Yung calamansi before ka maligo ipahid mo yung katas sa kili-kili mo then let it simmer. JK. Siguro kahit 10 mins tas lagyan mo ng tawas na durog na nabibili sa palengke. Parang naglalagay lang ng asin sa tilapyang ipiprito. Wag ka mag-alala na maging maasim ka, dahil trust me hindi. Tas banlaw. Wag ka na magdeodorant, tawas ulit. I use MILCU powder puff, di naman ako inanghit. Lahat na ata ng deo na-try ko, la ako napala kundi masunog lang lalo kili-kili ko.
Kung ayaw mo ng chicken skin, wag ka magpluck or shave. WAX is the best policy. Nakakaputi pa tas matagal tumubo.
Yan ang sikreto ng sagrado kong kili-kili. Di instant ang effect pero seryoso ako epektib yan, sis. Balitaan moko pag gumana ha? :)
|
Monday, June 4, 2012
|
/
Reblog
/
Read More!
|
Pasukan nanaman. Traffic at maraming kaagaw sa sasakyan. Ang masaklap dito sa sitwasyon na to e hindi na ako estudyante. Hindi na ako kabilang sa mga nagpapahaba ng pila sa sakayan, sa discount sa pamasahe at sa pamparami ng tao sa kalye. Hindi ko rin naman hinihiling na maging estudyante ako muli. Isa ito sa mga pinaka-ayaw ko nang balikan na yugto ng buhay ko, kahit pa sabihin mong malaki allowance ko. I’m a lousy student. Hindi ko rin alam paano ako naka-graduate ng college sa style ko ng “pag-aaral”.
Gayon man na ayaw ko nang balikan ang pagiging estudyante masaya parin akong balikan ang mga ala-ala ko ng unang araw ng klase. Yun lang naman yung exciting e, yung simula.
Noong elementary ako ang naaalala ko lang pag first day e lagi ko sinisinghot yung mga crayons ko at paulit-ulit kong inaayos sa lalagyan. O di kaya, paulit-ulit kong binibilang. Adik din pala ako sa pagtatasa ng lapis at pagsinghot ng pambura. Isa pang significant na event nung elem e yung first day ng grade 4. Bakit? Kasi graduate na sa lapis, ballpen naman. Ayun, testing ako ng testing ng ballpen kung matinta ba.
High school. Hmmmmmm. Hate na hate ko ang 1st day ng high school! Buong araw na introduce yourself. Ayaw na ayaw ko pa naman yung ganon, nakakahiya. Oo, madaldal ako pero di ko feel yung ganon. Ayaw ko ng one-way communication. Kaya never ako nakakuha ng magandang grade sa reporting e, nabubulol ako at lagi nakatingin sa paa ko. Weakness ko din yung ganon na all eyes sakin. PAkiramdam ko dinadissect ako.
College, isa pa to. SUMPA part II. Pwede na sana pagtyagaan yung introduce yourself maghapon kaso nga lang may mga prof na malakas ang trip na ang motto e “Time is gold”. Why? Ayon, pre-test. Ni hindi mo pa nga alam kung anong subject yun quiz na agad. Sinong estudyante ba gusto ng mga ganong kaganapan? NOT ME. Andyan din yung magpapaikot lang ng seat plan tas isusulat mo pangalan mo tas magdidiscuss na sya. College sucks.
Hate ko rin pag unang week ng klase e yung pagsusuot ng name tag. Para kasi sakin ang name tag ay source ng kapangyarihan ng teacher/prof sa classroom. Kapangyarihang ano? Tawagin ka. Tawagin ka pag may recitation, pag tulog ka okaya pag nakikipagdaldalan ka. Mas okay yung tuturo yung teacher tas sasabihin nyang “YOU!” tas ikaw naman patay malisya, titingin pa sa likod kunwari. Hindi lang ikaw yung kakabahan.
Kailangan ko gumising ng extra aga para hindi ma-late sa trabaho. Sana kasi lagi nalang bakasyon ng mga estudyante. Hayyy~
|
Monday, June 4, 2012
|
/
Reblog
/
Read More!
|
Gusto ko nanaman gawing black ang theme ko. This is bad. Noon sabi ko gagawin ko nang white ang BG ko dahil sabi ko gusto ko ng white para maliwanag at parang masaya. And then ngayon gusto ko nanaman sa black.
One thing’s for sure: MAPANGLAW AKO.
|
Sunday, June 3, 2012
|
/
Reblog
/
Read More!
|
Never ko naranasan mag first communion. Nope, hindi satanista ang pamilya ko. Nataon lang talaga na nasa Brunei kami pag panahon ng komunyon. E buong summer ng elementary ko e wala kami kaya kailanman e hindi din nabigyang katuparan ang pangarap kong mag-sagala. *tingin sa malayo at mapapailing* Saka isa pa, hindi katoliko ang nanay ko. So yeah, hanggang ngayon e ignorante ako sa katuruan ng katoliko.
This year ko lang naranasan ang communion sa katoliko. Last april yata. Nah, hindi first communion. Basta nalang ako sumubo ng hostya noong nagpamisa sa bahay ng pasyente ko. Na-pressure ako kasi lahat sila nagkomunyon. Alam kong big no-no sa mga katoliko ang pagsubo ng hostya kapag hindi ka pa nag first communion. Saka ayon sa kaibigan kong die-hard katoliko dapat daw nagsimba ka before that, parang tipong last week nagkomunyon ka okaya nagkumpisal ka. Something like that, I’m not quite sure. Hirap maging ignorante. -.-Masusunog ba ako sa impyerno dahil dun sa ginawa ko?
Nakakahiya dahil binoblog ko pa tong kapalpakan ko. Pero wala nang mas nakakahiya pa dahil hindi ako talaga marunong! Tinangka kong tanggapin ang hostya sa palad ngunit umakmang isusubo ni father sakin ang hostya kaya ginawa ko nalang lahat ng aking makakaya para di mahalata na pers taym ko. Kabang-kaba talaga ako non. Isip ko, pano kung bigla malaglag sa sahig? Pano kung madilaan ko kamay nung pari? Stupid me.
So yeah, I did my best to handle the situation. Sa mga hindi nakakaalam, mahaba ang dila ko at isa akong tongue roller. At ayon, ganto sa palagay ko ang naging itsura ko sa pers taym ko:

OA ba? NOT!!! Tinignan ko sa salamin itsura ko, ganyan ang nakita ko. Mirrors don’t lie. Saka sa reaksyon palang nung pari alam ko nang kakaiba itsura ko tas tawa ng tawa yung assistant ng pari.
Bury me alive!!!!!
|
Sunday, June 3, 2012
|
/
Reblog
/
Read More!
|
So yea, tapos ko na ang Catching fire. I was a little bit disappointed kasi di ko gusto yung tinakbo ng storya. Sorry Gale fans pero team Peeniss (Peeta + Katniss) ako eh. Pero nung simula gusto ko si Gale, I like dark haired guys. Ayaw ko sa blonde pero kasi iba yung samahan nila ni Katniss eh. *insert falling hearts* Di yun kayang tumbasan ng kagwapuhan ni Gale.
Mockingjay, here I come! I’m sooo excited.
|
Thursday, May 31, 2012
|
/
Reblog
/
Read More!
|
Well, may tubig naman kami pero sira kasi yung tangke namin. Hindi makakaakyat yung tubig sa taas. Hassle dahil ibaba yung mga gamit sa cr sa taas saka hindi talaga ako sanay maligo dito sa baba.
Bilang solusyon, nagpuno nalang kami ni mama ng mga timba at batcha dahil mawawalan daw ng tubig mamaya tas alas-diyes pa ang balik ng tubig. Apektado ako nun, 7 pasok ko eh.
Malakas talaga hinala ko na may ADHD ako. Para akong mamamatay kanina nung nagpupuno ako. Pakiwari ko antagal tagal mapuno nung timba. Ayun, naglaro ako ng naglaro ng tubig. Lalo pa akong nainip dahil naantala ng pagpupuno yung pagbabasa ko ng Catching Fire. Uh-huh, fan ako ng hunger games. Feeling ko ako si Katniss eh. Saklap naman diba kung pangarapin kong ako si Bella (yung babaeng gustong makipagsex sa marmol na may glitters. Lol)?
Sana bukas may makuhang tao na gagawa ng tangke yung nanay ko. *fingers crossed*